If you want a personalized gift for your special someone, my Do It Yourself (DIY) Love notes in a jar is a perfect gift.
Kailangan mo lang ng makukukulay na papel, ballpen, gunting, ribbon at Jar (pwede na din yung mga garapon ng palaman sa tinapay para nakapag-recycle pa tayo 😊😊 ).Gupitin ang makukulay na papel sa maliliit na parihabang sukat. Sunod ay isulat sa bawat isang papel ang lahat ng gusto mong sabihin at itupi ng paikot. Dahil sa Anniversary gift ko ito sa aking boyfriend, ang sinulat ko ay tungkol sa "Reasons why I love you". Maari mo din naman iregalo eto sa best friend mo, pwede mo isulat kung bakit siya mahalaga sayo o ilagay mo yung lyrics ng kanta na paborito nyo at mga unforgettable moments. Pagkatapos mo isulat lahat at tupiin, ilagay sa jar at takpan. Lagyan ng ribbon o kahit ano pa para makadagdag sa design. Sigurado ako na matutuwa ang pagbibigyan mo, bukod sa pinag paguran mo ay personalized pa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento